Posted by: nastypen | December 2, 2008

Laman + Loob

Gabi na napadaan kami ni Blas sa harapan ng GMA7. Ako naman nakatingin sa mga banderitas at tarps ng istasyon nagtataka kung sinu-sino na ang pinagtitilian ng mga tao. Wala na ba titili para kay Manilyn Reynes? Marami talagang pagbabago.

Si Blas naghudyat “Mahirap na talaga ang buhay ngayon, pati Chico’s nagsara na.” Tuminigin ako sa kabila at hinanaphanap ko ang Chico’s. Wala na. Mistulang parking lot na yata pero may mga lalakeng nag-aaligid aligid nakatingin sa akin at nagbabakasakali na may CAP Scholarship (Cabadingan Ay Pangarap) ako para sa kanila .

Sabi ni Blas, “Ay mga menchu yan ng Adonis!” Ah, nanjan pa rin ang isang gay bar, pero wala na ang Chico’s. Medyo nakakalungkot. Pero ganun talaga ang buhay.

Unang beses ko narinig ang Chico’s ay kausap ko mga kasama ko sa dorm sa Kalayaan. Masyado malaki ang singil ng dormitoryo sa amin. Ang pagkain doon? Susmeh. Akala ko ang mga kinuha ng dormitoryo na kusinero ay galing sa Cambodian Killing Fields. Kaya, ang naiwan sa aming baon ay pamasahe lamang para sa isang buwan. Sabi ng isang lalake sa akin na kailangan nya na magtrabaho sa Chico’s.

Ako naman na napaka-inosente dati, “Ano yun? Restawran?”

Sabi ng lalake, “Pinupuntahan ng mga katulad mo yun!”

Ako naman napaisip, “Ah, restawran na maraming Fine Arts students?”

Yun pala gay bar yun.

Napataas kilay ko at nag-ambisyon pa yung lalake na yun na magtatrabaho siya sa Chico’s. Hellow, di naman yata gusto ng mga bading makakita na gumigiling-giling na butiki na may antipara na ang ngipin ay parang dalawang chiklets na di pa nginunguya sa entablado noh.

Sa unang beses (at pinakahuli ko na rin) na pumunta sa Chico’s ay nagtatrabaho na ako para sa isang periodico. Ang matalik kong kaibigan doon ay ang hepe ng mga proofreaders na si Judy May. Pareho kaming magaganda at malulusog (…odiba! Confidence level!) Lagi akong tumatabi kay Juday at nakikipaghuntahan. Pinapatawa ko siya sa aking mga kwento na umalis ako sa aking kuarto sa opisina at naghubad ng sapatos ang isang lalake doon at akala ko may dagang nagpakamatay.

Isang gabi, sabi ni Juday “Punta tayo sa Chico’s!”

Mahilig kasi si Juday sa mga maskuladong lalake. Gusto niya yung tipong kaya siyang kargahin at di mawawala sa mga palikpik nya. Ako naman ay nagaalanganin. Minsan kasi para akong rebolusyonaryo at hataw lang nang hataw. Minsan naman ako si Maria Clara at laging nagaayos ng punuelo.

Yung Gabi na yun, si Maria Clara ako.

Hinatak ako ni Juday at nag-taxi kami. Habang palapit na kami, kinakabahan ako. Sabi ko, “Paano kung magkaka-raid?” Edi ipakita mo ang Press ID mo at sabihin mo nagre-research ka para sa istorya. “Huuu. Gasgas na rason yan, Juday. Ginamit ko yan nang bumili ako ng mga magasin sa Greenhills, naawa sa akin ang tindera!” Hay nako, walang mangyayari! Pasok na tayo.

Pero ayaw kong pumasok talaga.

Nandoon kami sa labas ng Chico’s nang hating gabi nagdedebate kung papasok ba kami o hindi. Dinadaan kami ng mga call boys at akala nila magsiota kaming nag-aaway. Hiyaw ng isa, “Magmotel na kayo. Doon na kayo mag-upakan!”

Naubusan ng pasensya si Juday, “Hay nako! Sasampalin na kita!”

Hamon ko, “Sige sampalin mo akoh! Sa harapan ng mga macho dancers!”

“Tara na nga….doon sa loob andaming laman!” bwelta ni Juday.

Tawanan kami at pumasok.

Unang napansin ko ay tadtad ng plastic na halaman at napakadilim. Ang ilaw na kulay pula at dilaw ay nasa entablado. May isang lalakeng naka-brief na “sumasayaw” kay Bon Jovi. gusto kong sumuka pero mas natawa ako at di ko akalain ang Bed of Roses ay ginagamit habang naka-isplit ang lalake sabay ikot ang mga braso sabay tingin sa audience na parang gutom na aso AT NAKA-BOOTS PA SIYA.

Siempre sa nerbyos ko, lumabas ang pagka-inglesero ko. Oh My God! Did you see that? Why do they think rainbow briefs are sexy?! What the…is that man high? Oh my….Can anyone tell that guy his hair cut makes him look like an asparagus. Tawa nang tawa si Juday. Ayun. Akala ng mga lalake ay foreigner ako kaya nagsilapitan.

Boss, yu wan masaj?! Heh der, yu want table me?

“Ano raw?!?!?!” Tili ko kay Juday na napabuhakhak sa aking gulat.

“Tinatanong niya kung gusto mo siyang i-table!” bulong ni Juday.

“Ano yun? Sasayaw siya sa table natin?! Di pa ubos mani ko noh!”

“Gaga. Tatabihan ka nya at kakausapin ka.”

Siempre wala akong maisip na pag-uusapan kaya si Juday na ang nag-table. Maamo naman ang mukha ng lalake. Nag-aaral pa at dito daw siya kumukha ng matrikulasyon. Ako naman nguya ako nang nguya ng mga mani at di nagpapadala sa kanyang kwento.

Sabi ng lalake sa akin, “Alam mo, kamukha mo si konshal.”

Sino?!?

“Si konshal.”

Ano raw, Juday?!

“Si konsehal daw! Si Anjo Yllana!” (Oo, kamukha ko dati si Anjo, ngayon kamukha ko na kapatid niyang si Ryan)

Natawa si Juday sa aking tingin sa lalake. Sabi niya para daw ako isang matronang nilapitan ng batang gusgusin. Sabi ko, “Eh ano naman pag-uusapan namin? Di ko nga mainitindihan ‘konshal’ niya noh.”

Tawa kami nang tawa ni Juday at lumabas na ang star ng Chico’s. Isang lalakeng mestizo na kalbo na mukhang patay habang umiija ang kanyang bewang sa kanta ni Ricky Martin. Sigaw ko, “Ay anubayan! Parang mas buhay pa si Jestoni Alarcon sa Huwag mong Buhayin ang Bangkay!”

Tawa kami nang tawa ni Juday.

Noong isang gabi nang nadaanan namin ni Blas kung asan ang Chico’s dati naririnig ko pa rin mga tawa ni Juday. Napangiti pa rin ako sa ala-ala kahit na nakatingin ako sa isang malaking loteng madilim na walang laman, meron pa rin akong nakikita.

——-

Odivaneh, kaya kong mag-Filipino?!

Advertisements

Responses

  1. Nakakalowka ang iyong entry lowlah! At mas nalowkah pa akong napagkamalan kang Afam!!!! ?Bwahahahhahahhaha!!!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: