Posted by: nastypen | December 19, 2007

Maraming Namamatay Sa Maling Akala

My apologies to readers who cannot understand Tagalog but I really want to post this.  I would like to share this email because a lot of my countrymen have this tragic notion that by leaving the Philippines for “greener” pastures, all problems will magically evaporate….  I just love interesting points of view…..

HAY BUHAY AMERICA TALAGA

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka,
kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.

Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila
maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland , Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero
dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang
bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng America .
Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang
pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan.

His words, darlings, not mine………

Advertisements

Responses

  1. Hmmm. But you’re crazy if you go to the US and take the obligatory bad tourist pictures just because you wanna prove that you went there. The secret is to go there and live BELOW your means. Hehehe. And commute, for God’s sake. That’s reality.

    Case in point: if you get an apartment in New York, it’ll be a damn shoe box. Nothing like the ones they showed on Friends.

    Go to the US, but keep a Pinoy state of mind so you can save a bit of money that will help you deal with the lovable misery that we experience here. If you buy into that consumerist hype, you’re dead and broke. Whichever comes first.

  2. I’m one of those mythical creatures that gave up his US greencard to stay in the Philippines.

    This explains why.

  3. Amen! 😉


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: